
Panibagong Daan Sa Barangay Mabiga, Binuksan Na
Kahapon ika-18 ng pebrero, mainit po nating sinalubong si Senador Nancy Binay kasama ang kaniyang ama na si Former Vice President Jojo Binay na ngayon ay tumatakbong Senador, sa Sitio Lambang, Barangay Mabiga para sa pagbubukas ng panibagong Farm to Market Road.
Kaisa natin sa okasyong ito sina Fr. Mark Manalili na siyang nagbigay ng basbas sa bagong daan, ang TEAM LIPAD HERMOSA, mga Kapitan at mga Barangay Officials sa ating Bayan.
Ang proyektong imprastrakturang ito ay pinondohan ng tanggapan ni Senator Nancy Binay.
Ang ating pinagawang Farm-to-Market Road sa Sitio Lambang, Barangay Mabiga ay magbibigay ng malaking tulong sa ating mga Kababayan lalo na sa mas maayos at maginhawang pagbiyahe ng ating mga magsasaka at sa ating mga mananakay sa kanilang paghahatid ng mga produktong agrikultura mula sa kabundukan patungong merkado.
Asahan niyo po na tuloy-tuloy ang mga proyektong pang-imprastraktura para sa ating ikagiginhawa!
Maraming Salamat po, Sen. Nancy Binay at VP Jojo Binay! Mabuhay po kayo! ❤️
MATAGAL NA NATING GINAGAWA ANG TAMA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan☝️