PAMBANSANG PAGTATASA SA 2022 SGLG, NAGSIMULA NA!

August 31, 2022- Hermosa, Bataan
PAMBANSANG PAGTATASA SA 2022 SGLG, NAGSIMULA NA!
Isinagawa ngayong araw ang National Validation para sa Seal of Good Local Governance o SGLG 2022 sa ating Bayan, kasama natin ang mga validators mula sa DILG Region VII at Region III sa pangunguna ni LGOO VII Analyn S. Doceo, LGOO III Chrysanthea D. Zorilla, Cristy Blanco, SGLG Focal Person, Melissa Nipal, Cluster Team Leader Bataan. Ito ay isang pagkilala sa katapatan, at kahusayan ng ating Lokal na Pamahalaan.
Ang Bayan ng Hermosa ay isang consistent awardee ng SGLG sa loob ng tatlong taong magkakasunod simula 2017 hanggang 2019. Ang isang Pamahalaang Lokal na may SGLG ay pagpapatunay ng kahusayan at katapatan sa serbisyo at pamamahala ng Lokal na Pamahalaan sa ating Bansa.
Nagpakita ng suporta at pagkakaisa ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng inyong lingkod, kasama si Municipal Admin Rex Jorge, DILG Hermosa LGOO V Maam Borneth Dulay La Torre, mga SB Members, at Department Heads, sa harapan ng mga validators mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG, inilahad ng ating mga namumuno ang mga magagandang serbisyo at programa na naisakatuparan para sa ating Bayan.
Mabuhay po kayo, Mabuhay ang Bayan ng Hermosa! Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa