Skip to main content

Pamangkup Festival 2024, Nagsimula Na!

Abril 23, 2024 – Hermosa, Bataan

Hudyat ng simula ng nobenaryo sa paghahanda sa kapistahan ng ating patron, San Pedro de Verona, isinagawa ang tradisyon ng Pamangupkup Festival na nagsimula sa Brgy. Almacen. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang barangay upang makiiisa sa pamangupkup sa ating mahal na patron.
Pinangunahan ng ating kura paroko Rev. Fr. Ernesto De Leon ang pagsisimula ng ating programa. Nagkaroon din ng patimpalak sa pagsayaw kung saan itinanghal ang Brgy. Mandama bilang champion sa taong ito.
VIVA SAN PEDRO!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝
#VivaSanPedro
#HermosaFiesta2024

Official Website of Municipality of Hermosa