PAMAMAHAGI NG TEACHERS DAY GIFT SA ATING MGA MINAMAHAL NA GURO
October 5, 2026 – Hermosa, Bataan
Bilang pagkilala sa sipag, dedikasyon, at walang sawang paglilingkod ng ating mga magigiting na guro, nagbigay po tayo ng simpleng Teachers’ Day gift sa Hermosa Elementary School.
Pinangunahan po ito ni Vice Mayor Patrick Rellosa, kasama ang buong Sangguniang Bayan ng Hermosa, bilang munting pasasalamat sa ating mga guro na patuloy na gumagabay at humuhubog sa ating mga mag-aaral tungo sa kanilang magandang kinabukasan.
Patuloy po nating ipamamahagi ang munting regalong ito sa ating mga guro sa iba’t ibang paaralan sa bayan. Abangan na lamang po ang pagdating nito sa inyong mga paaralan.
Maraming salamat po sa ating mga guro sa kanilang malasakit, tiyaga, at pagmamahal sa edukasyon. Kayo po ang isa sa mga haligi ng kinabukasang ating ipinaglalaban para sa bawat batang Hermoseño.
#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Err2DWTrD/









