Pamamahagi ng SPES Payout at Pagkilala sa mga Bagong GIP Members
Abril 3, 2024 – Hermosa, Bataan
Pinangunahan ng inyong lingkod ang pamamahagi ng tulong sa Special Program for Employment of Students (SPES) sa mga masisipag na mag-aaral ng bayan. Ipinagkaloob din ang pagkilala sa mga bagong kasapi ng Government Internship Program (GIP). Kasama sa pagpapamahagi sina Municipal PESO Manager Ofelia Datu at DOLE Senior Officer Eloisa Mercado.
Ang SPES at GIP ay mga programa na ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa tulong ng lokal na pamahalaan. Layunin nito ang magbigay ng pinansyal na suporta sa mga estudyante habang nag-aaral at magbigay ng oportunidad sa mga kabataan na magkaroon ng trabaho sa panahon ng kanilang bakasyon. Sa ganitong paraan, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na mapalakas ang kanilang kakayahan, makapag-ipon para sa edukasyon at pangangailangan, at matuto sa mga kaugalian ng pagtatrabaho.
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️