PAMAMAHAGI NG RESCUE BOAT AT MEGAPHONE SA MGA BARANGAY
September 16, 2026 – Hermosa, Bataan
Ipinamahagi na po natin ang mga rescue boat sa mga barangay ng Balsik, Bamban, at Saba, na gagamitin ng Bantay Dagat sa mabilis na pagtugon at pagsagip sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng pagbaha at iba pang emergency.
Kasabay nito, namahagi rin po tayo ng megaphone sa lahat ng barangay na magsisilbing mahalagang kagamitan sa pagbibigay ng mga abiso, koordinasyon, at agarang pagtugon sa panahon ng rescue operations at iba pang sakuna.
Kasama po natin sa pamamahagi sina Konsehal Lou Narciso, Konsehal Gelly Santos, MDRRMO Glenly Monje, at Municipal Administrator Rex Jorge.
#LipadHermosa #1Bataan #Bataan #HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1KVbzZXVfw/








