Skip to main content

PAMAMAHAGI NG RELIEF GOODS August 9, 2026 – Hermosa, Bataan

Sinimulan na po natin ngayong araw ang pamamahagi ng relief goods sa 16 na pamilyang naapektuhan ng pag-ulan at pagkasira ng kanilang mga tahanan mula sa mga barangay ng Tipo, Bamban, Balsic, Culis, Madama, at Mambog.
Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), kasama si Ma’am Chasmalin Francisco, ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan.
Bukod sa relief goods, makatatanggap din po sila ng financial assistance upang makatulong sa pag-aayos at muling pagpapatayo ng kanilang mga nasirang tahanan.
Manatiling alerto at ligtas ang lahat.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

Official Website of Municipality of Hermosa