Skip to main content

PAKIKIPAGPULONG KASAMA ANG DEPARTMENT OF HEALTH

August 3, 2022- Hermosa, Bataan
PAKIKIPAGPULONG KASAMA ANG DEPARTMENT OF HEALTH
Nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyal ng Department of Health Central Luzon, hinggil sa Vaccination Program para sa ating Bayan, kasabay nito ang pagpapakilala ng mga bagong empleyado.
Inilatag sa inyong lingkod ni Dr. Jose Bismark Abad ng Hermosa Municipal Health Office ang mga planong pangkalusugan, kasama ang kinatawan ng regional director na si DMO Dr. Noel Reyes para sa mga naging hamon at nagawa nila sa pagpapatupad ng paglulungsad ng mga bakunahan dito sa ating Bayan.
Ibinalita din na sa 74, 658 total projected ng populasyon dito sa ating Bayan, ay nasa 70% na ang kanilang nababakunahan. Kung kaya’t binigyang diin ng inyong lingkod na maghikayat o hingkayatin na magpabakuna na ang ating mga Kababayan upang maprotektahan at makamit ang herd immunity ng ating Komunidad.
Nakasama natin dito sina DMO Glendora Tubera, DMO Dra. Maria Belina Ibasco, DMO Dr. Noel Reyes, at si DMO Irhene Roman at iba pang mga staff ng Department of Health.
Hinihingi po nating muli ang inyong patuloy na pakikiisa ng bawat isa sa gawaing pagbabakuna kontra COVID-19 upang maproteksyunan ang ating mga sarili maging ang ating pamilya at komunidad.
Maraming Salamat po, Mabuhay ang ating DOH!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa