Pagtanggap sa SBMA Revenue Share ng Bayan ng Hermosa
September 27, 2024 – Hermosa, Bataan
Bilang kinatawan ng inyong lingkod, tinanggap ni Mayora ANNE INTON kasama ang Municipal Treasurer’s Office Head na si Rhodora Manalansan ang SBMA LGU Revenue Share ng ating bayan para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Pinangunahan ni Senior Deputy Administrator for Support Services Atty. Ramon Agregado ang nasabing pamamahagi ng revenue shares bilang paghalili kay SBMA Chairman and Administrator Eduardo Aliño.
Nakatanggap ang Bayan ng Hermosa ng tseke na nagkakahalaga ng P 21,918,698.28— 2% share ng Hermosa sa SBMA— na gagamitin sa mga proyekto sa ating bayan.
Ang revenue shares ay ipinapamahagi sa LGU ng mga syudad at munisipalidad na kinatatayuan ng mga proyekto ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Ang ating lokal pamahalaan ay pursigidong mapalawig ang pakikipag ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang mas lalo pang mapaunlad ang ating minamahal na Bayan ng Hermosa.
– !
#SBMARevenueShares #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
READ AND SEE MORE: https://www.facebook.com/share/p/i9yZhHSm3gU3R2mt/