PAGTAGUYOD NG CBMS DITO SA BAYAN NG HERMOSA
January 24, 2024 – Hermosa, Bataan
Tayo ay nagkaroon ng programa para sa Community Based Monitoring System (CBMS) na ginanap sa Hermosa Covered Court sa pangunguna nina BHSO OIC Christopher C. Leonzon, Homesite and Housing Regulation Officer II Arch. Jeffrey B. Roman at Project Development Officer II Engr. Shaina May M. Orani.
Ang pagtataguyod ng CBMS ay nagbibigay daan sa masusing pagsubaybay at pagsusuri ng pangangailangan ng ating komunidad, na nagiging pundasyon para sa mas epektibong pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto at programa sa lokal na antas.
Ito ay isa sa mga hakbang para sa pagpapalakas ng ating lokal na pamahalaan at partisipasyon ng ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahan na mapabuti ang kalagayan ng komunidad at maisagawa ang pangangailangan ng ating mamamayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
#BisitaBayan2024