Skip to main content

PAGSUSURI NG ANTI-RED TAPE AUTHORITY DITO SA ATING MUNISIPYO, ISINAGAWA

August 23, 2023 – Hermosa, Bataan
PAGSUSURI NG ANTI-RED TAPE AUTHORITY DITO SA ATING MUNISIPYO, ISINAGAWA!
Pinangunahan ni Municipal Administrator Rex Jorge na kumatawan sa inyong lingkod ang isinagawang pagsusuri ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na pinangunahan nila Comittee on Anti-Red Tape (CART) Focal Person Engr. Jan Eigbert Salenga at BPLO Marivic Fernandez, bilang pagsunod sa mga alintuntunin ng Batas ng Republika Blg. 11032 at pagtatatag ng electronic Business One Stop Shop (eBOSS) dito sa ating munisipalidad.
Ang layunin ng batas na ito ay para mapadali ang proseso ng negosyo at magbigay ng mas epektibong serbisyo mula sa ating pamahalaan. Sa pamamagitan ng kanilang monitoring inspection ay maipapakita nila ang mga posibleng paglabag sa mga probisyon ng batas.
Kasabay ng pagtatatag ng electronic Business One Stop Shop (eBOSS) sa ating bayan ay para mapadali ang proseso ng pagkuha ng mga kinakailangang permit at lisensya para sa mga negosyo. Ito ay nagbibigay daan para sa mas mabilis at maayos na transaksyon sa pagitan ng negosyante at pamahalaan.
Nakasama rin natin ang mga Department Heads ng ating munisipalidad.
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

No Images found.

Official Website of Municipality of Hermosa