
PAGSISIGURO NG DE-KALIDAD NA PRODUKSYON PARA SA ATING MGA MAGSISIBUYAS!
September 30, 2022- Hermosa, Bataan
Yes na yes sa SibuYes!
PAGSISIGURO NG DE-KALIDAD NA PRODUKSYON PARA SA ATING MGA MAGSISIBUYAS!
Kaagapay po ng ating magsisibuyas ang inyong lingkod upang masiguro ang de-kalidad na produksyon at ugnayan sa institutional buyer katulad ng Jollibee Group.
Noong ika-30 ng Setyembre, nagsagawa ng collaboration meeting kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, DA-HVCDP, at Jollibee Group Foundation kasama ang Tulay sa Pag-Unlad, Inc. para sa pagpapalawak ng produksyon ng sibuyas sa bansa at ng pagsasanay ng mga Hermoseñong magsisibuyas sa pamamagitan ng Farmer Entrepreneurship Program (FEP)
Ang FEP ay isang programa ng JGF na naglalayong tulungan ang mga maliliit na magsasaka na madagdagan ang kanilang kita sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanila sa mga institutional na mamimili tulad ng Jollibee Group. Kasama ng tulong sa marketing, ang JGF ay nagbibigay ng pagsasanay at pagtuturo sa Eight (8)-step agro-enterprise clustering approach sa mga lokal na organisasyon at grupo ng magsasaka.
Ang pagpupulong ay nilahukan nina Hon. Angela Garcia, 3rd District Representative ng Bataan, G. Jose Jeffrey Rodriguez, PDO IV mula sa National Office of the HVCDP, Atty. Joycel Panlilio, Engr. AB P David, ang Regional HVCDP Focal Person, Engr. Johanna Dizon, Provincial Agriculturist ng Bataan, Vincent Mangulabnan, Municipal Agrciulturist ng Hermosa kasama ang mga iba pang staff ng DA Hermosa, Inaasahan ng DA-HVCDP team ang matibay na pakikipagtulungan sa JGF para sa mga magsasaka sa Central Luzon.
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa! 

#LipadHermosa 

#1Bataan 
