Skip to main content

PAGPUPULONG NG PEOPLE’S LAW ENFORCEMENT BOARD (PLEB): BANTAY-BAYAN PARA SA KAAYUSAN

PAGPUPULONG NG PEOPLE’S LAW ENFORCEMENT BOARD (PLEB): BANTAY-BAYAN PARA SA KAAYUSAN
Tayo ay nagkaroon ng makabuluhang pagpupulong ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ng ating Bayan kasama ang ating MAYORA ANNE ADORABLE-INTON na ginanap sa Assembly Hall ng Sanguniang Bayan.
Ang pagpupulong na ito ay isang pagkakataon na magsama-sama, magbahagi ng mga ideya at magtulungan upang mapanatiling ligtas, maayos at disente ang ating komunidad at ito ay magbibigay ng pag-asa at kasiguraduhan sa mga mamamayan na ang kanilang mga karapatan ay igagalang at ipagtatanggol dito sa Bayan ng Hermosa.
Kasama natin sina Vice Mayor Patrick Rellosa, Konsehal Lou Narciso, Water District Director Rizal De Leon, Ms. Purisima Legaspi at DepEd District Supervisor Ronie Mendoza.
Maraming Salamat po!
#InaNgHermosa 👩‍🍼
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa