Pagpupulong ng KSSP, para sa Patuloy na Pag-Unlad ng ating Bayan
February 21, 2024 – Hermosa, Bataan
Kaisa si Mayora ANNE INTON sa katatapos lamang na pagpupulong sa ika-95th Komite ng Sama-Samang Pagpapaunlad (KSSP) na ginanap kanina sa Sitio Pastolan.
Sa patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalidad ng buhay ng ating Smart Community at sa layuning masiguro ang transparency at kahusayan sa pinansyal na pamamahala ng SBMA. Ang pagtitipon na ito ay naglalayong talakayin at hanapan ng solusyon ang mga umiiral na alalahanin sa ating komunidad pati na rin sa pag-review sa accounting at pamamahala ng remittances para sa Sitio Pastolan.
Nakasama natin sa nasabing pagpupulong sina Director Tani Adong, Atty. Richard Piaga- NCIP, Chieftain Christine Frenilla, Zosimo Dela Cruz, Allan Ignacio, Maricar Marquez- TAAPI, Atty. Michael Quintos, Ma’am Armina Llamas, Mr. Carlos Andres- SBMA, at ang Subic International Golf Club.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
#InaNgHermosa🤱🏻