
PAGPUPUGAY SA IKA-26 NA ANIBERSARYO NG SAMAHAN NG KABAKA
March 25, 2023 – Hermosa, Bataan
PAGPUPUGAY SA IKA-26 NA ANIBERSARYO NG SAMAHAN NG KABAKA
Isang taos pusong pagbati sa ika-26 na anibersaryo ng Kababaihan ng Bataan Tungo sa Kaunlaran (KABAKA). Kasabay nito ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan. Ang pagdiriwang na ito ay pinangunahan nina former Cong. Herminia Roman, Cong. Geraldine Roman at Bokal Tonyboy Roman. Dinaluhan ng INA NG HERMOSA Founder MAYORA ANNE ADORABLE-INTON na kumatawan sa inyong Lingkod na ginanap sa Covered Court ng Mababang Paaralan ng Hermosa at kasunod nito ay sa Covered Court Palihan, Hermosa.
Kaisa ang ating Bayan para sa selebrasyon na ito kasama ang Ina ng Hermosa. Nagkaroon ng mga pa-raffle, dance presentation at kaunting mga regalo para sa ating mga kababaihan.
Kaisa din sa pagdiriwang na ito si Konsehala Gelly Grace Santos, Konsehal Lou Narciso at Konsehal Jason Enriquez at Konsehal Boyet Yandoc. Ang ibang miyembro ng SB ay nagbigay naman ng pang raffle.
Muli, Mabuhay at isang masayang pagbati para sa inyong ika dalawampu’t anim na anibersaryo ng KABAKA. Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 

#1Bataan 

#InaNgHermosa 
