Skip to main content

PAGPUPUGAY SA ATING MGA BAYANI

August 28, 2023 – Hermosa, Bataan
PAGPUPUGAY SA ATING MGA BAYANI!
Bilang pakikiisa ng Bayan ng Hermosa sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, pinangunahan ng inyong lingkod ang flag ceremony kasabay ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal kasama ang mga kawani ng ating lokal na pamahalaan.
Ito ay para bigyang pugay ang mga bayaning nagsakripisyo ng buhay para sa ating bansa. Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang ala-ala ng ating mga bayani, ang kanilang adhikain na pagkakaisa, at pag-unlad ng ating bansa.
Mabuhay ang ating mga bayani!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

No Images found.

Official Website of Municipality of Hermosa