
Pagpaplano ng Kalinisan sa Bayan ng Hermosa
January 19, 2023 – Hermosa, Bataan
PAGPAPLANO NG KALINISAN SA BAYAN NG HERMOSA
Tayo ay nagsagawa ngayong araw ng Sanitation Planning Workshop sa tulong ng ahensya ng ENVIROKONSULT na ginanap sa Hermosa, Covered Court. Ito ay pinangunahan ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Jesus De Luna kasama ang inyong lingkod.
Layunin ng workshop na ito na tiyakin ang malinis na tubig para sa lahat at makatulong na mailigtas ang kapaligiran mula sa masasamang epekto ng maruming wastewater na nagmumula sa mga residential at commercial septic tank sa paligid ng munisipyo.
Kasama natin dito sina IEC Specialist ENVIROKONSULT Joel Lozare, General Manager Hermosa Water District Engr. Gideon De Leon at Konsehala Luzviminda Jorge Samaniego.
#LipadHermosa 

#1Bataan 
