Skip to main content

Pagpapasinaya ng bagong classroom sa Tipo Elementary School (TES)

September 20, 2024 – Hermosa, Bataan
Ngayong mapagpalang araw ng Biyernes, ating pinasinayaan ang bagong classroom na naipatayo sa Tipo Elementary School (TES) sa pamamagitan ng Local School Board Fund, sa basbas ni Rev. Fr. Ronald Badillo.

Ito ay patunay lamang ng pagpapatuloy ng ating adhikain na mapabuti ang edukasyon sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa. Kasama sa adhikaing ito si Mayora ANNE INTON, at ating mga Konsehal ng Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Patrick Rellosa.

Nakasama rin natin sa pagpapasinayang ito sina Hermosa District Supervisor Ma’am Arlene Carlos, TES Principal Sir Alvin David, mga guro, at maging mga SPTA Officers sa pangnguna ni SPTA President Mary Grace B. Pinacate.

Sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa, patuloy nating pahahalagahan at pagyayamanin ang edukasyon, hanggang sa susunod pang mga henerasyon.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#TESInauguration #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa