Skip to main content

PAGPAPALAGO NG EKONOMIYA: Isang Pulong Kasama muli ang Bertaphil Inc.

Sa patuloy na layunin na mapalakas ang ekonomiya ng ating bayan, nagkaroon muli tayo ng pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng Berthapil Inc. upang talakayin ang kanilang posibleng investment sa ating bayan.
Ang Berthapil Inc. ay kilala bilang isa sa mga pangunahing investor sa Clark Freeport Zone. Sa kasalukuyan, mayroon silang labindalawang (12) real estate development sa nasabing lugar, na nagpapakita ng kanilang kahandaan na maglaan ng pondo at serbisyo para sa pag-unlad ng mga lugar na kanilang pinapasukan.
Sa pulong, kasama natin ang mga pangunahing opisyal ng Berthapil Inc. kabilang na ang kanilang Chairman na si Michael Herman, Chief Finance Officer Andrew Schwartz, at Head of Leasing Joanie Mitchell.
Ang pulong na ito ay nagpapakita ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng maayos at positibong ugnayan sa pribadong sektor, na naglalayong mapalago pa ang ekonomiya at magdulot ng mas maraming oportunidad para sa ating mga mamamayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝🏻

Official Website of Municipality of Hermosa