Pagpapahalaga sa Kalikasan sa ating Bayan
Abril 16, 2024 – Hermosa, Bataan
Sa pagsisikap at aktibong partisipasyon ng LGU Hermosa, ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ay nagsagawa ng pagsasanay sa Brgy. Palihan para sa tamang solid waste management tungkol sa composting. Ito ay pinangunahan ng mga kinatawan ng MENRO na sina Jake De Luna, Clarence Luther S. Bulanadi, Senior Executive Director ng Youmanitarian International, Executive Director for Budget and Finance, Darwin Bonagua.
Layunin nito ang turuan ang mga residente kung pano mag-compost sa kanilang lugar upang maiwasan ang pagdami ng basura sa landfill. Sa ganitong paraan, matututunan natin kung paano magkaroon ng tama at wastong paghihiwalay sa ating mga basura.
Maraming salamat sa Youmanitarian International, hangad namin ang inyong patuloy na suporta sa mga susunod pang mga aktibidad para sa kalikasan dito sa bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️