PAGMOMONITOR NG MGA GAMOT SA RHU
March 24, 2026 – Hermosa, Bataan
Upang matiyak na ligtas at de-kalidad ang mga gamot na ipinagkakaloob sa ating mga kababayan, personal po nating sinuri ang mga ito sa ating Rural Health Unit, kasama si Municipal Health Officer Dr. Warren Valencia.
Patuloy po ang ating pamahalaan sa paghahatid ng maayos at maaasahang serbisyong pangkalusugan. Kaya naman kung may nararamdaman kayo at nangangailangan ng agarang atensyong medikal, huwag po kayong mag-atubiling magtungo at magpakonsulta sa ating RHU.
Tinitiyak po natin na ang mga gamot na ating ibinibigay ay laging bago, ligtas, at maayos ang kalidad para sa kapakanan ng bawat isa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1CRPQNQTqo/


