PAGLIWANAG NG DAAN, MANGYAYARI NA!

August 17, 2022- Hermosa, Bataan
PAGLIWANAG NG DAAN, MANGYAYARI NA!
Ngayong araw pormal na po nating nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU Hermosa, NLEX Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation para sa Hermosa Lighting Project.
Sa ngalan ng Bayan ng Hermosa, buong-puso po nating tinanggap at taos-pusong pinasalamatan si Mr. J. Luigi L. Bautista, President and General Manager ng NLEX Corporation, sa patuloy na pakikipag-ugnayan at walang sawang pagsuporta sa Bayan ng Hermosa, lalong-lalo na po pagdating sa road safety.
Ang proyektong ito ay ang pagsiguro sa kaligtasan ng publiko at isa sa mga pangunahing priyoridad natin sa pagpapatakbo ng ating mga expressways. Ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa sa pangunguna ng inyong lingkod ay humiling sa NLEX Corporation ng ilaw sa kalsada na sumasaklaw sa humigit-kumulang dalawang kilometro. Ito ay gagawing mas ligtas ang paglalakbay papuntang T-intersection na matatagpuan sa SCTEX Roman Highway Access Road at Roman Highway Hermosa.
Maglalagay din ng mga directional sign, PVC bollard sa median at metal strips para gawing gabay at mas maging maginhawa sa pagmamaneho sa gabi ang ating mga motorista at masiguro ang kanilang kaligtasan.
Sinaksihan din ito nina Atty. Joseph Marigomen First Vice President for Legal Services, Vice Mayor Patrick Rellosa kasama ang mga SB Members at iba pang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Makakaasa po kayo na patuloy po nating diringgin ang boses ng ating mga Kababayan. Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa! Maraming Salamat po NLEX Corporation, Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa🚁
#1Bataan☝️
« of 2 »

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa