
PAGKILALA SA GALING NG ATING MGA KABABAYAN
Personal na binigyang pagkilala ng inyong lingkod kasama si Municipal Administrator Rex Jorge ngayon araw, ika-13 ng Marso ang mga piling kawani ng pamahalaang lokal ng Hermosa, mga Guro at ilang mag-aaral ng Hermosa National High School at Culis Elementary School para sa ginanap na “Kwentong Kagitingan” bilang bahagi ng paggunita sa “National Arts Month 2023”.
Kasabay nito ginawaran ng Plaque of Recognition ang ating kawani na si Mark Jay Corpuz para sa pagpasa sa katatapos na Agriculturist Licensure Examination.
Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️