PAGHAHAHANDA SA SALUBONG SA LINGGO NG MULING PAGKABUHAY March 30, 2026 – Hermosa, Bataan
Nakipagpulong po tayo sa kinatawan ng Parokya ng San Pedro Martir ng Verona, sa pangunguna ni Mr. Antonio Samaniego, upang maayos na mapaghandaan at maihanay ang mga nakatakdang gawain para sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Ang pagpupulong na ito ay bahagi ng paghahanda para sa tradisyunal na Salubong, na sumisimbolo sa muling pagkikita ni Hesukristo at ng Kanyang Mahal na Ina, isang makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya, pag-asa, at muling pagkabuhay.
Sama-sama sa Paglipad ng Hermosa!
#LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1AyjbVJXr6/