Paggunita sa Ika-82nd na Araw ng Kagitingan
Abril 9, 2024 – Pilar, Bataan
Bilang bahagi ng pagpupugay at pagkilala sa mga beteranong sundalo noong ikalawang digmaang pandaigdig, personal na pinangunahan ni President. Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aalay ng bulaklak kanina sa Mt. Samat National Shrine Pilar, Bataan.
Samantala nag-alay din ng bulaklak sina United States of America (USA) Charge d’Affaires Robert Ewing at Japan Ambassador Endo Kazuya. Kasama natin ang iba’t-ibang punong bayan mula sa ating lalawigan upang magbigay pugay at alalahanin ang mga beteranong sundalong nagbuwis ng buhay para sa bansa.
Isang taos pusong pagpupugay sa mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng ating bayan! Maligayang Araw ng Kagitingan!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️