PAGDIRIWANG PARA SA BUWAN NG KABABAIHAN, UMARANGKADA! PARADA, SAYAWAN, RAFFLE AT ZUMBA

Para sa paggunita sa Buwan ng Kababaihan, tayo ay nagsagawa ng Parada kasama ang mga iba’t-ibang grupo ng Kababaihan dito sa ating Bayan sa pangunguna ng INA NG HERMOSA Founder Mayora Anne Adorable-Inton, na kumatawan rin sa inyong lingkod ngayon araw ng Biyernes, ika-17 ng Marso. Kaisa ang mga kababaihan ng KALIPI, INA NG HERMOSA, SINGLE MOMS, PWD at mga Kababaihan sa iba’t ibang Barangay sa ating Bayan.
Umarangkada ang parada mula Brgy. Cataning patungo sa Hermosa Covered Court na kung saan tayo ay nagkaroon ng programa para sa Buwan ng mga Kababaihan. Nagkaroon din tayo ng mga presentasyon mula sa dalawamput limang mga grupo ng ating mga kababaihan dito sa ating Bayan. Kasabay nito,nagkaroon din tayo raffle para sa mga dumalo sa ating programa.
Ang selebrasyong ito ay isinagawa sa tulong ng Punong Abala, Konsehala Luz Jorge Samaniego kasama ang MSWDO. Kasama din natin sa selebrasyong ito sina 1st District Board Member Atty. Tony Boy Roman, Vice Mayor Patrick Rellosa, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Roger Manarang, Konsehal Boyet Yandoc, konsehal Jason Enriquez at Konsehala Gelly Grace Santos at SK Bea Lim.
Patuloy po nating paigtingin ang Masaya at Matatag na samahan ng mga kababaihan dito sa Bayan ng Hermosa.
Maraming Salamat po and Happy Women’s Month!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
#InaNgHermosa 🤱🏼
#HappyWomen’sMonth ❤️
« of 2 »

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

  • (047)-300-6750/ 0917-844-3453

  • Office Hour:
    Mon - Fri: 8am - 5pm

  • Brgy. Burgos-Soliman St
    Hermosa, Philippines 2111

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa