Pagdalo sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Bataan Chapter meeting upang ipakilala ang Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) sa ating mga Punong Bayan.
Dumalo po tayo kanina sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Bataan Chapter meeting upang ipakilala ang Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) sa ating mga Punong Bayan.
Ang BBJVI ay isang private company na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC), na pagmamay-ari ng Bataan at BASECO sa ilalim ng PCGG.
Pangunahing negosyo po nito ang real estate, kabilang ang pagpaparenta ng mga ports at lupaing may kabuuang 300 ektarya.
Layunin po nitong suportahan ang port, property at housing development, fintech, transportation, at iba pang negosyo na magdadala ng kaunlaran sa Bataan.
Bilang bahagi ng corporate social responsibility, nakatuon din ito sa pagpapaunlad ng turismo at MSMEs sa lalawigan.
Hinikayat din po natin ang ating mga Mayor na maging katuwang ng BBJVI sa mga proyektong magbibigay benepisyo hindi lamang sa kani-kanilang bayan, kundi sa buong Bataan.






