March 21, 2023 – Hermosa, Bataan
PAGBUBUKAS NG BAGONG SILID-ARALAN PARA SA MAG-AARAL NG ST. MA. VIRGINIA P. LEONZON MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
Pinangunahan ng ating Chairman Committee on Education Konsehal Boyet Yandoc na kumatawan sa inyong Lingkod kasama si Konsehal Lou Narciso ang pagbubukas ng apat na bagong silid-aralan sa ikalawang palapag sa Mababang Paaralan ng St. Ma. Virginia P. Leonzon Memorial (SMVPLMES).
Sa pamamagitan ng modernong pasilidad na ito ay lalo pang mapapalawak ang kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap. Ang ating paaralan ay hindi lamang isang lugar para sa pagkatuto, kundi isang tahanan ng mga nagkakaisang isip at nagkakaisang layunin.
Ang inyong sakripisyo at dedikasyon ay nagbigay-daan upang magkaroon tayo ng mga silid-aralan na magbibigay ng magandang kinabukasan sa bawat mag-aaral.
Kasabay nito ang pagbasbas sa mga bagong silid aralan sa pangunguna ni Fr. Romano Jason Acabo kasama sina School Principal Roland Fronda, District Supervisor Ronie Mendoza, Brgy. Captain Alfonzo Cortez, Community Member Donor of School Lot Virgilio Teruel at kawani ng Barangay at Paaralan.
Muli, maligayang pagbubukas ng ating bagong silid-aralan. Sama-sama nating gawing makabuluhan ang pagkatuto at pagpapalago ng bawat mag-aaral dito sa Bayan ng Hermosa.
Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.
By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.
(047)-300-6750/ 0917-844-3453
Office Hour:
Mon - Fri: 8am - 5pm
Brgy. Burgos-Soliman St
Hermosa, Philippines 2111
All content is public domain unless otherwise stated.
LEGISLATIVE
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Official Directory