Skip to main content

PAGBISITA SA OPISINA NI CONG. TONY ROMAN

August 5, 2026 – Quezon City
Nagpunta po tayo kahapon sa House of Representatives sa Batasan Hills, Quezon City upang makipagpulong sa tanggapan ni Cong. Atty. Tony Roman at ipresenta ang mga planong proyekto para sa ating bayan.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapagawa ng waiting area ng Super RHU sa Brgy. Mandama at ang konstruksyon ng isang Rehabilitation Center na magbibigay ng mas maayos at mas de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan.
Kasama natin sa pagpupulong sina Konsehala Gelly Santos, Dr. Warren Valencia, MPDO Head Engr. Ejay Salenga, Engr. Chris Ramirez, Ar. Marianne Obispo, at ang mga doktor sa ating Rural Health Unit (RHU).
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
Official Website of Municipality of Hermosa