Skip to main content

PAGBISITA SA MGA DAY CARE STUDENTS

January 29, 2026 – Hermosa, Bataan

Kasama si Gov. Joet Garcia, nasaksihan po natin ang aktuwal na simulation ng pagtuturo at paggabay ng mga day care workers bilang bahagi ng pagpapatibay ng maayos at dekalidad na edukasyon sa maagang yugto ng pagkatuto ng mga bata.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa kaugnay ng Bisitang Bayan sa Hermosa, kung saan tampok ngayong taon ang programang EduChild na layong tiyakin ang holistikong pag-unlad at kapakanan ng mga bata sa lalawigan.
Kasama rin po sa pagbisita sina MSWD Officer Chasmalin Francisco, Brgy. Captain Lamberto Suelto, EduChild Focal Person Jeneline Lapid, at ang mga Barangay Health Workers na patuloy na katuwang sa pangangalaga at paghubog ng kinabukasan ng kabataang Bataeño.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DWbtCkC9B/

Official Website of Municipality of Hermosa