Pagbati sa mga Ulirang Mag-aaral ng Hermosa!
Bilang kinatawan ng inyong lingkod, dumalo si Mayora ANNE INTON sa Year-End Assembly for Outstanding Learners / Students na ginanap sa Hermosa Elementary School, upang personal na masaksihan ang kanilang pag gawad ng parangal sa mga Ulirang Mag-aaral ng Hermosa.
Sa mga ganitong pagkakataon, mahalagang maipakita natin sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng kanilang nakamit na parangal. Nang sa gayon, lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral na siyang magdadala sa kanila tungo sa magandang buhay.
Maraming salamat kay Hermosa District Supervisor, Ma’am Arlene Carlos, pati na rin sa mga magulang ng mga mag-aaral, sa inyong walang sawang gabay at suporta sa kanilang hangaring matuto. Mabuhay kayo, mga Ulirang Mag-aaral sa Bayan ng Hermosa!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1CmrbLLuFe/