
PADYAK PARA SA KABUHAYAN
June 13, 2023 – Hermosa, Bataan
“PADYAK PARA SA KABUHAYAN”
NEGO-KART PROJECT HATID SA ATIN NG DOLE AT SENATOR JV EJERCITO
Pinangunahan ng inyong lingkod ang pamamahagi ng padyak para sa kabuhayan o Nego-Kart Project na hatid sa atin ng Department of Labor of Employment (DOLE) at sa tulong ng ating mahal na Senador JV Ejercito na ginanap sa Hermosa Covered Court.
Layon ng programang ito na masuportahan ang ating mga kababayan at magkaroon ng sariling kabuhayan. Ito ay isang hakbang patungo sa pagkakaroon ng sapat na kita at kaunlaran para sa ating mga mamamayan dito sa Bayan ng Hermosa.
Nakasama natin dito sina ARD Alex Inza Cruz, PD Lanie Reynos, Municipality PESO Dept. Head Ofelia Datu at Konsehal Jason Enriquez.
Asahan nyo po na patuloy ang ating pakikipagtulungan sa mga ganitong proyekto para sa ating mga kababayan. Tara na’t magpadyak para sa mas magandang kinabukasan!
Maraming Salamat Senador JV Ejercito, Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️