Skip to main content

ORIENTATION ON TEENAGE PREGNANCY PREVENTION

Sa pangunguna ng POPCOM Hermosa, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), nagsagawa ng isang makabuluhang talakayan ukol sa teenage pregnancy prevention, kampanya laban sa bullying, at pag-iwas sa ilegal na droga para sa ating mga kapatid na kabilang sa Indigenous Peoples (IP) community sa bayan ng Hermosa.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa responsableng pagdedesisyon, pagpapahalaga sa sarili, at kahalagahan ng pagkakaroon ng ligtas at maayos na komunidad na malaya sa bullying at ilegal na droga.
Nagpapasalamat po tayo kina Konsehala Gelly Santos, Population Program Worker Desiree T. Molinar, Designated Local Population Officer Orlan David, Rea Quiambao ng MSWDO, at Maricris Valderueda sa kanilang suporta at aktibong pakikibahagi upang maging matagumpay ang nasabing programa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan


CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/14jHQoF7pit/

Official Website of Municipality of Hermosa