Skip to main content

Oratio Imperata | Laban sa Bagyo

O Makapangyarihang Diyos, aming Ama, sa gitna ng bagyo at panganib, kami’y lumalapit sa iyo. Ilayo mo po kami sa kapahamakan, baha, at sakuna.
Pahupain mo ang hangin at ulan, at iligtas mo ang aming mga pamilya at komunidad mula sa panganib.
Patnubayan mo ang mga namumuno at mga tumutulong, Kumilos sila nang may tapang at malasakit. Palakasin mo ang aming pananampalataya, at turuan mo kaming magmahalan at magdamayan. Sa tulong ng Mahal na Birheng Maria, idinadalangin namin ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon.

San Pedro Martir ng Verona, ang aming patron at tagapamagitan, idinadalangin namin ito sa ngalan ni Hesus, aming Panginoon

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Fgho2SACn/

Official Website of Municipality of Hermosa