OPLAN SUMVAC 2026
March 25, 2026 – Hermosa, Bataan
Upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng lahat ngayong darating na Semana Santa, nagsagawa ng pulong ang Hermosa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council bilang bahagi ng kanilang paghahanda. Tinalakay sa naturang pagpupulong ang maayos na pamamahala ng daloy ng trapiko, pagpapalakas ng agarang responde, at ang kahandaan sa pagtugon sa mga posibleng isyung pangkalusugan kung kinakailangan.
Layunin ng OPLAN SUMVAC na masiguro ang ligtas, maayos, at handang komunidad para sa lahat ng mga mamamayan at mga bibisita sa bayan ngayong panahon ng Kwaresma.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DUL7EhFCk/





