OPLAN KALULUWA 2026
October 22, 2026 – Hermosa, Bataan
Patuloy po ang paghahanda ng ating bayan para sa nalalapit na paggunita ng Undas. Sa pamamagitan ng Oplan Kaluluwa 2026, tiniyak po natin ang kahandaan at koordinasyon ng bawat kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan, lalo na sa mga pangunahing lugar at sementeryo sa bayan.
Layunin po nating maging maayos, ligtas, at mapayapa ang paggunita ng Undas para sa lahat. Pinangunahan po ito nina Konsehal Lou Narciso, Konsehal Jason Enriquez, Glenly Monje ng MDRRMO at ang buong miyembro ng Oplan Kaluluwa 2026.
#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1JHhdS5F7a/







