OPISYAL NA PAHAYAG SA NANGYARING INSIDENTE SA HERMOSA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sa direktiba ni PMAJ Kenneth Longan, Chief of Police ng Hermosa Municipal Police Station, mahigpit na pinapayuhan ang publiko na manatiling kalmado, huwag magpadala sa mga hindi beripikadong impormasyon, at umasa lamang sa mga opisyal na pahayag ng mga kinauukulang ahensya.
Batay sa beripikasyon ng Hermosa Municipal Police Station, walang naganap na shooting incident sa Hermosa National High School. Ang pansamantalang pagsuspinde ng klase ay isinagawa bilang pag-iingat matapos kumalat ang mga maling impormasyon sa social media na nagdulot ng pagdagsa ng mga magulang sa paaralan at nakaapekto sa kaayusan at seguridad.
Samantala, ang nag-viral na threatening message na ipinadala sa pamamagitan ng Facebook Messenger ay kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Regional Anti-Cybercrime Unit 3 (RACU 3) upang matukoy ang nasa likod nito.
Patuloy ang mahigpit na koordinasyon ng Hermosa Municipal Police Station, pamunuan ng paaralan, at iba pang kinauukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at buong komunidad.
Mahalagang Paalala: Magtiwala lamang sa mga opisyal na anunsyo ng Hermosa Municipal Police Station, Hermosa National High School, at ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa. Ang pagpapakalat ng maling impormasyon ay maaaring magdulot ng takot, kalituhan, at pananagutan sa ilalim ng umiiral na batas.
Stay calm. Verify before you share.
#LipadHermosa
#1Bataan
#HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HJTGdjrng/