NUTRITION MONTH CELEBRATION 2026 July 28, 2026 – Hermosa, Bataan
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026 na may temang “Nutrition At Kalikasan Ating Pangalagaan!”, nakiisa ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa programa na ginanap sa Brgy. Mandama Covered Court.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga Day Care learners ng Brgy. Mandama, mga mag-aaral sa elementarya, buntis na kababaihan, senior citizens, at mga senior PWD, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng wastong nutrisyon, kalusugan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Bilang suporta sa kanilang kalusugan at kapakanan, namahagi tayo ng oral healthcare kits, bitamina, vegetable seeds, tsinelas, payong, at iba pang mahahalagang kagamitan.
Kasama sa programa sina Konsehala Gelly Santos, Konsehala Jinkee Alonzo, Dr. Jay Nuevo, Dr. Noel Reyes, mga kawani ng Municipal Health Office, mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), kinatawan ng Department of Health (DOH), at mga guro na patuloy na nagsisilbing katuwang sa pagtataguyod ng isang mas malusog at masiglang komunidad.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1ZHiXYM2Xd/