Skip to main content

NORWAY-PHILIPPINES ELECTRIC FERRIES CONFERENCE 2025

November 4, 2025 — Dusit Thani Manila
Dumalo po tayo kasama si Cong. Abet Garcia, sa Norway – Philippines Electric Ferries Conference 2025 na ginanap sa Dusit Thani Manila.
Ito po ay upang pag-aralan ang mga posibilidad ng paggamit ng electric ferry sa Bataan, bilang bahagi ng pagpapalakas ng mas malinis at modernong sistema ng transportasyon sa ating lalawigan.
Layunin ng pagpupulong na ito na pabilisin ang pagpapatupad ng sustainable maritime transport sa parehong bansa, upang higit pang maisulong ang ligtas, episyente, at environment-friendly na ferry transport system.
Nakasama rin po natin sa talakayan si H.E. Christian Halaas Lyster, Ambassador of Norway, kasama ang iba pang eksperto at kinatawan mula sa maritime at renewable energy sector.

Official Website of Municipality of Hermosa