
No Face Shield, No Entry Policy
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mandatory na pagsusuot ng face shield, hindi lamang sa mga pampulikong sasakyan at work areas, kundi maging sa pampublikong lugar partikular na mga enclosed establishments gaya ng mga mall.
Una nang sinabi ni Roque na kinokonsidera ng gobyerno ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng pampublikong lugar sa bansa kasunod narin ng pagpapatupad ng ‘no face shield, no ride’ policy sa mga pampublikong transportasyon maging sa mga trabaho. Noong August 15, 2020 nang umpisahan ang implementasyon ng pagsusuot ng face shield sa mga nabanggit na lugar matapos na maisama ito sa bagong guidelines ng IATF.