November 8, 2021- Hermosa, Bataan
IN PHOTOS | NATUPAD NA KAHILINGAN
MARAMING SALAMAT MAHAL NA PANGULO AT SENADOR BONG GO!
Isinagawa natin ngayong araw ang pamimigay ng ayuda sa pamamagitan ng Expanded Assistance In Crisis Situation (AICS) para sa 360 Benepisyaryo ng Hermosa Ecozone na labis na naapektuhan ng pandemya. Sila ang mga nakasama sa mga natanggal sa trabaho sa ecozone. Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 3,000 pesos.
Ang inyong lingkod ay sumulat sa ating Pangulo noong June 23, 2021 upang humiling ng tulong para sa ating mga displaced workers sa Ecozone. Ating pinaliwanag ang hirap na dinaranas ng mga displaced workers sa ecozone na biglang nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.At tinugunan naman ito ng ating Pangulo at ni Senador Bong Go. Ang pondo ay mula sa tanggapan ni Senador Bong Go.
Sa ating financial aid distribution ngayon, kasama natin ang DSWD Region III, Patrick Funa Team Leader (OSBG) at Ms. Chasmalin S. Francisco Provincial Team Leader DPEO-Bataan. Kaisa din natin sina Konsehala Luz Jorge Samaniego, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Sonjie Valencia, Konsehal Reggie Santos, Kgwd. Bendoy Mangiliman, Kap. Jason Enriquez, Kap. Roger Manarang, at Konsehal Floyd Tungol.
Maraming Salamat po, Pangulong Duterte at Senador Bong Go sa inyong pagtugon sa ating kahilingan! Tunay kayong may malasakit sa ating Bayan!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝
To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.
By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.
(047)-300-6750/ 0917-844-3453
Office Hour:
Mon - Fri: 8am - 5pm
Brgy. Burgos-Soliman St
Hermosa, Philippines 2111
All content is public domain unless otherwise stated.
LEGISLATIVE
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Official Directory