Skip to main content

National Children’s Month: Children’s Congress 2024 para sa Batang Hermoseno

November 15, 2024 – Hermosa, Bataan

Bilang pagpapatuloy ng National Children’s Month, pinangasiwaan ng ating Municipal Social Welfare and Development Office, sa pangunguna ni Chasmalin Francisco, ang Children’s Congress 2024 na may temang, “Pigilan ang Paglaganap, Iwaksi ang Karahasan, Protektahan ang mga Bata, Gawing Ligtas ang Bansang Pilipinas.”

Napuno ng ngiti ang Peninsula de Bataan Resort nang magsimula ang programa na binubuo ng Copy & Color Solo Singing Contest, Solo Poem Contest, at Zumbaliit Presentation na tiyak ay na nagpasaya sa mga bibo na mag-aaral ng Daycare.

Maraming salamat sa Bagong Team Lipad na sina Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Lou Narciso, Konsehala Luz Samaniego, at Bb. Jinkee Alonzo, sa pakikiahagi programang para sa mga chikiting ngayong araw.
Sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa, prayoridad natin ang ikabubuti ng ating mga anak dahil sila ang magdadala at magpapatuloy ng matayog na pagLipad ng Hermosa.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/19drhoJhP9/

Official Website of Municipality of Hermosa