Nakahandang Hermosa: 3rd Quarterly Meeting ng MDRRMC
September 25, 2024 – Hermosa, Bataan
Ngayong araw isinagawa sa Assembly Hall ang ikatlong quarterly meeting ng Municipal Disaster and Risk Reduction Council para sa taong 2024 na dinaluhan ng mga kawani sa iba’t ibang departamento sa Lokal na Pamahalaan ng Hermosa.
Sa pagpupulong, siniguro ng konseho, sa pangunguna ni MDRRMO Department Head G. Glen Lee Monje, na ang ating Bayan ng Hermosa ay handa sa posibleng kalamidad na dumating sa mga susunod na buwan.
Makakaasa kayo na ang ating minamahal na Bayan ng Hermosa— sa pagtutulong-tulong ng ating magigiting na kawani— ay nakahanda sa anumang kalamidad.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#HermosaMDRRMC #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
READ AND SEE MORE: https://www.facebook.com/share/p/uiuABvdw4MyQVBKS/