Nagpapatuloy po ngayong araw ang ating Hermosa Medical Caravan sa Brgy. Saba at Sitio Pastolan.
Pinangunahan ito nina Konsehala Gelly Santos, kasama ang mga doktor at kawani ng Municipal Health Office, Binibining Hermosa 2026 Fiona Samaniego, mga Barangay Health Workers (BHWs), BGHMC, at iba pang katuwang na ahensya upang maihatid ang libreng serbisyong medikal sa ating mga kababayan.
Patuloy po nating inilalapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan upang mas maraming Hermoseño ang makinabang sa mga programang pangkalusugan ng ating lokal na pamahalaan.
Sama-Sama sa Palipad ng Hermosa!
#LipadHermosa
#1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19FnCqeFaH/









