February 8, 2022- Hermosa, Bataan
!
Dahil isa sa mga prioridad po natin ang pagtulong sa ating mga magsasaka at mangingisda minabuti ng inyong lingkod ang paglalagay ng Farm-to-Market road at slope protection sa Barangay Bacong.
Ang proyektong ito ay magbibigay katuparan ng ating adhikaing maging maginhawa ang buhay at pataasin ang kita ng ating mga bayaning magsasaka at mangingisda.
Hindi na po sila mahihirapan sa pagbyahe ng kanilang mga Ani at maiiwasan po ang pagkaluma at pagkasira ng mga ito dulot ng dating malapagong na byahe. Siguradong sariwa ang mga Ani pagdating sa ating mga pamilihan.
Pinangunahan po ang pagbubukas ng daan ng Team Lipad Hermosa, representatives ng Ina ng Hermosa, mga miyembro ng Barangay Council at Kap. Enrique Diwa. Kasama po natin si Rev. Ramon Mariano na siyang nagbasbas sa daan.
Asahan po ninyo na tuloy-tuloy ang mga proyektong pang imprastraktura ng inyong lingkod, kaagapay ang Provincial Government of Bataan.
Maraming Salamat po Governor Abet Garcia, para sa pag popondo ng proyektong ito. Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️
To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.
By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.
(047)-300-6750/ 0917-844-3453
Office Hour:
Mon - Fri: 8am - 5pm
Brgy. Burgos-Soliman St
Hermosa, Philippines 2111
All content is public domain unless otherwise stated.
LEGISLATIVE
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Official Directory