Skip to main content

Municipal Search for Exemplary Child: Ang Pagbibida sa Talento ng mga Batang 4Ps sa Hermosa

Upang ibida at linangin ang mga talento ng mga Batang 4PS sa ating bayan, ating isinagawa ang Municipal Search for Exemplary Child sa temang “Batang 4PS:Huwarang Anak, Huwarang Kinabukasan,” sa pangunguna ng DSWD – Regional Office III at Hermosa MSWDO.

Ito ay ginanap sa Assembly Hall kung saan nagpakita ng kanilang mga natatanging talento sina Clarke C. Evangelista, Andrei B. Alameda, Noah Algie Manalansan, Franchesca Francisco, Jocelyn Balintay, at Bledge Ryland Lacas

Maraming salamat sa mga nagnuna at nakatuwang natin upang maisakatuparang ang makabuluhang gawain na ito na sina Konsehala Luz Samaniego, Bb. Rea Tria Quiambao ng MSWDO, Bb. Bea Lim ng LYDO, G. Orlan David ng POPCOM, at G. Dominic Santos ng DepEd Hermosa.

Masayang pagbati sa itinanghal na Exemplary Child na si Noah! Nawa ay patuloy mo pang linangin at pagyamanin ang talentong ibinigay sa’yo ng ating Panginoon.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa