Skip to main content

MUNICIPAL SEARCH FOR EXEMPLARY CHILD AND HUWARANG PANTAWID PAMILYA

March 19, 2026 – Hermosa, Bataan

Sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Municipal Search for Exemplary Child at Huwarang Pantawid Pamilya sa MDRRMO Hall, Brgy. San Pedro.

Layunin ng aktibidad na kilalanin at parangalan ang angking galing, talento, at mabubuting pagpapahalaga ng kabataan, gayundin ang mga huwarang pamilyang kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na nagbahagi ng kanilang inspiradong kwento at karanasan.

Congratulations po sa ating Exemplary Child Champion na si Yana Regina Dimal mula sa Brgy. Maite, at sa Huwarang Pantawid Pamilya Champion na Tolentino Family ng Brgy. Pulo!

Dumalo sa nasabing programa sina Konsehala Gelly Santos, mga kinatawan mula sa DSWD Bataan, at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DqnG5xPe9/

Official Website of Municipality of Hermosa