MPDO, COCO DISNEY THEME WAGI SA DECORATION CONTEST NG HERMOSA DISNEYLAND
October 29, 2026 – Hermosa, Bataan
Isang mainit na pagbati sa Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa pagkamit ng 1st Place – Best Office Design sa ating Hermosa Disneyland Decoration Contest!
Sinundan ito ng Super RHU sa kanilang Pocahontas theme, na nagkamit ng ikalawang puwesto, at ng Municipal Treasury Office sa kanilang Aladdin theme, na pumangatlo sa paligsahan.
Nakakatuwang masaksihan ang sama-samang pagkilos, pagkamalikhain, at dedikasyon ng bawat tanggapan sa paghahanda ng kanilang mga dekorasyon at kasuotan. Tunay na ipinakita ng bawat isa ang diwa ng teamwork at pakikiisa upang maging mas makulay, masaya, at makabuluhan ang ating selebrasyon.
Maraming salamat po sa lahat ng empleyado at tanggapang nakiisa at nakisaya sa ating Hermosa Disneyland Halloween Celebration 2026! Ang inyong sigla at pagkamalikhain ang nagbigay-buhay sa mahiwagang mundo ng Disney sa ating munisipyo.
Muli, congratulations sa lahat ng nagwagi at nakilahok! Abangan po natin ang susunod na edisyon ng ating taunang Halloween celebration.
#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan #DisneylandTrickOrTreat
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DufeqLMjA/









