Skip to main content

MONITORING AND EVALUATION OF LOCAL LEVEL PLAN IMPLEMENTATION PROTOCOL

Kasama ang mga miyembro ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol mula sa Provincial Government of Bataan at ng Municipal Nutrition Committee, sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Warren Valencia, tinalakay po natin ang iba’t ibang usaping pangkalusugan at ang patuloy na pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Naging mahalagang bahagi ng pagpupulong ang pagsusuri at pagmomonitor sa mga hakbang na isinasagawa upang mapabuti ang kalagayang pangkalusugan at nutrisyon sa ating bayan, gayundin ang pagpapalakas ng koordinasyon ng mga ahensya at sektor na katuwang sa pagsusulong ng mas malusog na komunidad para sa bawat Hermoseño.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1D2wLA5G8A/

Official Website of Municipality of Hermosa