Skip to main content

MOA SIGNING: ZERO KILOMETER FOOD PROJECT

June 05, 2023 – Hermosa, Bataan
HAKBANG SA PAG-UNLAD NG BAYAN NG HERMOSA AT NG ATING LALAWIGAN!
MOA SIGNING: ZERO KILOMETER FOOD PROJECT
Pormal ng nilagdaan kasama ng inyong lingkod ang Memorandum of Agreement para sa Zero Kilometer Food Project (0 KM) katuwang ang Kagawaran ng Agrikultura at Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Hermosa at Bayan ng Dinalupihan at Bataan Peninsula State University (BPSU). Ito ay pinangunahan ni Senior Undersecretary Dept. of Agriculture Domingo Panganiban na ginanap sa Office of the Secretary, Diliman, Quezon City.
Ang proyektong ito ay isang malaking hakbang tungo sa ating hangarin na palakasin ang ating lokal na agrikultura at makamit ang kalidad at sapat na pagkain para sa ating mga mamamayan. Sa pamamagitan ng paglalagay ng zero-kilometro na konsepto, layunin nating mapalakas ang produksyon ng pagkain sa mga malalapit na komunidad at makatulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Ito ay isang oportunidad para masuportahan natin ang ating mga magsasaka, mapalago ang sektor ng agrikultura, at bigyang-lakas ang lokal na ekonomiya.
Nakasama natin dito sina Asst. Director, Bureau of Agricultural Research Joell Lales, Hermosa Municipal Agriculturist Vincent Mangulabnan, Dinalupihan Municipal Agriculturist Arlene Javier, BPSU Project Leader Glenda Abad, MSBio, Rep. BPSU Vice Pres. Dr. Thelma Manansala at Rep. Dinalupihan Municipal Councilor Elizalde Torno at Office of the Provincial Agriculturist-Bataan Engr. John Peter Subiaga.
Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at suporta sa proyektong ito. Nawa’y patuloy tayong magkaisa at magtulungan para sa ikauunlad ng ating Bayan pati ng ating Lalawigan.
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
Official Website of Municipality of Hermosa